Diosdado P. Macapagal

Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 – Abril 21, 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 – Disyembre 30, 1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961-Disyembre 30, 1965).Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin. Isinilang siya noong Setyembre 28, 1910 sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang manunulat ng mga salitang Kapampangan at ang kanyang ina ay isang guro na nagturo ng katesismo. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Lubao Elementary School bilang valedictorian at bilang sekundarya sa Pampanga High School bilang salutatorian.