in

Tinig ng Isang Anghel

Isang batang babae na puno ng pagtataka at katanungan tungkol sa mga anghel. Totoo nga bang may anghel? Isang katanungang laging tinatanong sa kanyang sarili. At dahil hindi na siya mapakali ay itinanong niya ito sa kanyang ina na naglalaba sa kanilang bakuran.

Batang babae: Ina…Ina… Totoo po bang may anghel?

Ina: Oo naman anak totoo ang mga ito.

Batang babae: Talaga po? Nakikita po ba natin ito ?

Ina: Pwedeng oo pwedeng hindi.

Batang babae: Po? Ina… anu po ba talga ang totoo?

Ina: Ang mga anghel ay hindi natin nakikita anak ngunit nasa tabi natin ito at binabantayan.

Batang babae: Kung ganun po ay hindi po natin nakikita ito ina tama po ba ?

Ina: Ngunit pwede tayo makakita ng anghel anak. Nais mo bang makakita ng isang anghel?

Batang babae: Talga po!!! Opo ina gusto ko pong makakita ng isang anghel!!!

Ina: Kung ganun ay maari mo bang bantayan ang iyong tiya ? At sa takdang panahon ay makakakita Karin ng anghel

Bantang babae: Opo ina! Babantayan at aalagaan kop o si tiya.

Sa kagustuhang makakita ng anghel ang batang babae ay sinunod niya ang utos ng ina.Bawat utos ang ipagawa sa knyang tiya ay kanyang ginagawa.Ngunit napansin ng batang babae ang pagbabago sa kanyang tiya.At dumating sa punto na sumigaw na napakalakas ang kanyang tiya na puro dugo ang kanyang katawan.Dumating ang kanyang tiyo na may kasamang babae pati narin ang kanyang ina.

Batang babae: Ina! Mamamatay po ba si tiya? Patawad ina Pwatawad

Hagulgol ng bata

Ina: Wag kang magalala anak magiging maayos rin lahat

Niyakap ng ina ang kanyang iyak at tahimik pinapakinggan ang
bawat sigaw ng kanyang tiya hangang sa bigla itong tumahimik.

Tiyo: Iha halika nais kang Makita ng iyong tiya.

Nang makapasok sila sa isang silid nakita ng batang babae ang kalat ng dugo at ang tiya niyang nakangiting nakatingin sa telang kanyang hawak.

Tiya: Iha halika

Nakita ng batang babae na isang sanggol ang nakabalot sa tela.Sa hindi malamang dahilan ay tumulo bigla ang kanyang luha ngunit ang kanyang nararamdaman ay hindi kalungkutan kundi Kasayahan.Sa wakas ay nakakita siyang isang munting anghel…Isang munting anghel na umiiyak sa harap niya.Sa araw na iyon alam niyang hindi kailanman makakalimutan ang pagmasdan sa unang pagkakataon at marinig ang munting tinig ng isang anghel.

What do you think?

1 point
Upvote Downvote

Total votes: 1

Upvotes: 1

Upvotes percentage: 100.000000%

Downvotes: 0

Downvotes percentage: 0.000000%

Ina ng Biak-na-Bato

Si Juan at ang Alimango