Tula

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Read more..

Ang Niyog

Mayroong isang magandang alamat Na kung saan, niyog ay nagbuhat – Ito raw ay bunga, kalinga sa anak Ng isang inang sa hukay ay nalagak. Ito raw ina ay nag-aalala Sapagka’t anak, paano kung wala siya Kung kaya’t ang isang mabait na ada Ginawang punong niyog ang mabait na ina. Nang ang punong niyog ay …

Ang Niyog Read More »

Ang Pamana

Isang araw, nakita kong ang ina ko’y namamanglaw naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan; Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan, nakita ko ang maraming taong niyang kahirapan… Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw nakita kong ang ina ko’y tila mandin namamanglaw, At ang sabi: “Itong piyano’y sa iyo ko ibibigay, ang …

Ang Pamana Read More »

Ang Pana At Ang Awit

Binibit sa busog ang palasong hawak, na tinutudla ko’y hangin sa itaas, alam kong sa lupa ito ay lumagpak subali’t kung saa’y hindi ko matatap! Awit kong kinanta’y tinangay ng hangin, alam kong sa lupa ito’y lumagpak din; nguni’t ang hindi ko malama’t malining ay kung saan ko ito hahanapin. Ngunit nang maraming taon ang …

Ang Pana At Ang Awit Read More »

Ang Panday

Kaputol na bakal na galing sa bundok, Sa dila ng apoy kanyang pinalambot; Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok At pinagkahugis sa nasa ng loob. Walang anu-ano’y naging kagamitan, Araro na pala ang bakal na iyan; Ang mga bukiri’y payapang binungkal, Nang magtaniman na’y masayang binungkal, Ngunit isang araw’y nagkaron ng gulo, At ang buong bayan …

Ang Panday Read More »

Ang Paruparo At Ang Bulaklak

Munting paruparo’y pumasok sa hardin hanap ay bulaklak at manginginain ang nakita’y isang bukong nakabitin na wala pang katas na sukat masimsim. Paruparo’y biglang sa buko’y lumayo sa kabilang sanga doon ay dumapo at ang kanyang wikang tila nasiphayo, “Sa iyo’y… ni walang bagong masasamyo.” Ang bukong-bulaklak ay parang tumugon “Bakit di mo hintayin ang …

Ang Paruparo At Ang Bulaklak Read More »

Bulag Ka, Juan

ni: Ariana Trinidad Bumaon sa tao, Kuko ng pangako, At ngiti ng pulitiko, Na plantsado pati kwelyo. Sa eleksyon lang nakita, Ang kumag na kongresista, Pagkat nakatago sa lungga, Ng kaniyang malamig na kuta. Tahimik sa buong taon Maingay sa eleksyon Parang naghahamon Wala kasing laman ang garapon. Ang bulsa ng pagkatao Ng hayop sa …

Bulag Ka, Juan Read More »