Tula

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Read more..

Ang Bulaklak

Sa mayamang lupa mayroong sumilip Na halamang lunti’t anong pagkaliit, Pilit tumataas at nais mabatid Ang ano at dahil ng munting daigdig. Hindi nga naglaon at naging malusog Lumaki at saka nagkabukong lubos… Bukong di maabot ng araw at unos At himbing na himbing sa pagkakatulog. Ngunit napasok din ng sinag ng araw Ang tulog …

Ang Bulaklak Read More »

Ang Dakilang Hiyas

Ang isang anluwage, ang isang platero at ang isang panday, minsan ay nagtalo, nguni’t di malaman sa tatlo kung sino ang mayrong katuwiran sa baya’t sa tao. Kaya’t nang di sila magkaayun-ayon Pinabayaan nang araw ang humatol; nag-uwian sila’t sa kanilang nayon ang dating gawa’y ipinagpatuloy. Sa pulbos na ginto at hiblang tumbaga rubi’t diyamanteng …

Ang Dakilang Hiyas Read More »

Ang Damdamin

Ito’y pintig ng puso, Ito’y laman ng dibdib; Aliw, tuwa, galak, Lungkot, lumbay; Nagdudulot ng ngiti at halakhak, Kung minsan hibik, iyak, hinagpis taghoy at paos na tinig.

Ang Dampang Tahanan

Madalas marinig sa maraming bibig: “Dumalaw ka naman sa aming maliit at dampang tahanan.” Malimit na sagot ay ang sumusunod: “Di ko tinitingnan ang bahay na munti kundi namamahay.” Ano ang tahanan? Yaon ba’y gusaling pinagkagastahan ng maraming pilak at malaking yaman? Yaon ba’y kongkreto na ubod ng tibay na di nagbabago bumagyo’t umaraw? Iyon …

Ang Dampang Tahanan Read More »

Ang Duwende

Sa hardin ay merong punso, Doon ako’y nagtutungo Upang paligid ay walisin ko’t Alisin ang kalat na damo. Nang ako ay magkasakit, Punso’y hindi nalilinis; Hindi ako makaidlip, Punso’y aking naiisip. Habang ako’y nakaratay, Sa akin ay may dumalaw, May regalo siyang taglay, Sabi’y siya’y duwende raw. Nang siya ay lilisan na, Sa akin ay …

Ang Duwende Read More »

Ang Guryon (Saranggola)

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon, na yari sa patpat at “papel de Hapon,” magandang laruan, pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay pakatimbangin, ang dulo at paulo ay sukating magaling nang hindi umikit o kaya’y kumiling. Saka umihip ang hangin, …

Ang Guryon (Saranggola) Read More »

Ang Higanteng Tren

Tila ahas na nagmula sa himpilang kanyang lungga, ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga, ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukas na bintana! Ang riles na lalakatay nakabalatay sa daan, umaaso ang bunganga at maingay na maingay sa Tutuban magmumula’t patutungo sa Dagupan! O kung gabi’t masalubong ang mata ay nag-aapoy ang silbato sa …

Ang Higanteng Tren Read More »

Ang Ibong Kanaway

May mga hapon, lalo kung katatapos pa lamang ng bagyo Na ang mga ibong kanaway, mga ibong mga taga dagat, Ay naglalabasan mula sa mga yungib na pinamamahingahan nila, At nagliliparan sa look ng Maqueda. Pabalik-balik, paikot-ikot, waring walang patutunguhan, May hinahanap, may ipinagsasaya. Ang taas ng lipad nila’y dulot Ng mahahabang pakpak Na tila …

Ang Ibong Kanaway Read More »

Ang Kagandahan

KAGANDAHA’Y ANO? Luogod, tula, awit pangarap, pag-asa buhay, at pag-ibig. NGUNIT ANG GANDA RI’Y dita, bikig, lason kamandag, patalim at gintong kabaong. DAHIL SA KARIKTA’Y may walang nabuo may dapang bumangon may buong gumuho GANDA’Y MARIRINIG sa hikbi’t halakhak sa pait at tamis siya’y malalasap. GANDA’Y TALINGHAGA maanyo’t makulay minsa’y paraiso’t kung minsa’y libingan!