Tula

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Read more..

Aking Ama

Nang ang diwa ko’y magising sa Daigdig ng Himala, May narinig akong tanong na sa isip ko’y nabadha: “Ang tahanan daw bay ano? Ang tahana’y ano kaya? Ang tahanan kaya’y itong nagisnan kong munting dampa?” Ang tugon ng aking ina: “Sa tahanan ginagawa Ang pagsintang sa isipa’y napabinhi’t napapunla.” Ang pakli ng aking ama: “Sa …

Aking Ama Read More »

Ako’y Pilipino

Pilipino ako sa anyo, sa kulay, sa wika, sa gawa at sa kalinangan. Ang mutyang bayan ko’y Perlas ng Silangan, kilala sa ganda at sa iwing taglay na yaman. Sa mga ugat ko ay nananalaytay, magiting na dugo ng raha at lakan; ang kasaysayan ko’y di malilimutan ng aking kalahi’t liping pinagmulan Maraming bayaning nagbuwis …

Ako’y Pilipino Read More »

Ang Aking Guro

Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya’t laging matiyaga; Sa tungkulin niya’y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw’y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating …

Ang Aking Guro Read More »

Ang Aking Kamag-aral

May katabi ako sa aking upuan, Siya ay mabait, tahimik, magalang. Binibigyan ako ng baong tinapay, Isinusukob ako sa payong n’yang taglay. Noong isang araw, ako’y nagkasakit, Ako ay dinalaw, ng aking katabi.

Ang Alaga Kong Kuting

May alaga akong kuting, Ang pangalan niya’y Muning; Ang kulay ay puti’t itim, Kung tumakbo ay matulin. Makinang ang kayang mata Sa dilim ay kitang-kita; Balahibo ay kay ganda, Masdan mo siya’t kay sigla. Pagulungin mo ang bola, Ito’y lalaruin niya; Kung magpalakad-lakad ka, Hahabulin iyong paa.

Ang Aking Pangarap

Pangarap kong magbakasyon Kapiling ang hanging Habagat At kami’y maglilimayon Sa mga ilog at dagat. Ipagmamalaki ko sa kanya Na hindi galing sa atin ang basura, Na naglutang sa dalampasigan. Ng Kamaynilaan. Sa lungsod ko siya igagala Doon sa nilalakaran ng rodilyo At sa gilid ay nagtayo Ang mga pabrika ng bata. Ipagmamalaki ko sa …

Ang Aking Pangarap Read More »

Ang Bandila

Ang pula at asul at tatlong bituin na nagwawagayway sa araw at dilim ay siyang sagisag ng dugong magiting… iyan ang bandilang Bayan ang kapiling! Kasaysayan nito’y hindi matawaran, pagka’t ang lumikha ay dugo at buhay; siyang namumuno sa luha’t tagumpay ng bayang iniwi sa lahat ng araw! Siyan umaaliw kung baya’y malungkot, siya ang …

Ang Bandila Read More »

Ang Batong Maliit

Namamasyal noon ang hari sa hardin Upang bigyang laya ang diwa’t panimdim Walang anu-ano; natawag ang pansin Ng batong maliit na hamak sa tingin Bato’y tinitigan at tinisud-tisod At saka tinanong ang kanya ring loob Ano kaya itong himala ng Diyos? Bakit pati ito, sa mundo’y sumipot? Ng haring nawili sa pagkakatitig, Sa wakas umurong …

Ang Batong Maliit Read More »

Ang Buhay Ng Palay

Munting butil na nimbagang isinabog sa bukirin, Nang tumubo’y tila damong anong inam pagmalasin, Mga daho’y makikitid na sa puno’y tila mandin Kumakaway sa amihang kung humihip ay kaylambing! Sa sinag ng haring araw ay may taglay na pag-asa, Sa halik ng hanging-bukid na lagi nang nagsasaya, Ang bukid ay naging kumot na luntiang anong …

Ang Buhay Ng Palay Read More »