Parabula

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Read more..

Ang Bata at ang Aso

Si Boyet ay may alagang aso. Ang tawag niya dito ay Tagpi. Puting-puti ang makapal na balahibo ni tagpi. Sa bandang likod ay maroon itong isang malaking Tagpi na kulay itim. Iyon ang dahilan kung bakit tagpi ang itinawag ni Boyet sa kanyang aso. Mahal na mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan. Binibigyan …

Ang Bata at ang Aso Read More »

Ganyan Talaga ang Buhay

Punumpuno ng ligaya ang dibdib ni Aling Juling sa mga papuri at paghanga ng mga kaibigan at kakilala. Ilang beses siyang umakyat-manaog sa entablado upang samahan ang anak sa pagtanggap ng iba’t ibang karangalan – Valedictorian, Best Declaimer, Best Orator, Leadership Award, Achievement Award, Girl Scout Award, Model Pupil Award, Bb. Karunungan Award, at kung …

Ganyan Talaga ang Buhay Read More »

Ang Babaing Balo

Isang matandang lalaki ang lumapit sa isang babaing balo. Gusgusin ang matandang lalaki. Mukha itong gutum na gutom. Taggutom noon sa lugar na iyon, mahirap ang pagkain. “Mayroon ka bang makakain diyan?” tanong ng matandang pulubi sa balo. “Ilang araw na kasing hindi nalalamnan ang aking sikmura. Parang hihimatayin na ako sa gutom.” “Mayroon po …

Ang Babaing Balo Read More »

Ang Espesyal na Panauhin

Si Dona Inez ay isang mayaman. Isang araw ay nanaginip si Dona Inez. Sa kanyang panaginip ay nakausap niya si Hesus. “Dadalawin kita sa bahay mo bukas.” Sabi ni Hesus. “Opo. Hihintayin ko po kayo!” sabi niya. Masayang masaya si Dona Inez ng magising. Dadalawin kasi siya ng Panginoon. Maaga kung gumising si Dona Inez …

Ang Espesyal na Panauhin Read More »

Naapi

Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa Metro Manila. 13 taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke at kung anu-ano pa; Lima ang anak ng tiyahin, isang babae …

Naapi Read More »

Ang Dakilang Kaibigan

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong. Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa …

Ang Dakilang Kaibigan Read More »

Ang Labis na Paghahangad

Maligaya ang pagsasama ng mag-asawang Oscar at Glenda. Apat kanilang anak: dalawang lalaki at dalawang babae. Mataas ang posisyon ni Oscar sa pinapasukang kompanya. Kumikita ito ng higit sa iba nitong mga kasama. Si Glenda naman ay inuukol ang panahon sa pag-aasikaso sa mga anak. Mayroon silang sariling bahay, lupa, kotse, at dalawang katulong. Dapat …

Ang Labis na Paghahangad Read More »

Ang Matapobreng Ina

Laging bukambibig ni Aling Osang na ang anak na engineer na si Monching ay dapat lang makapag-asawa ng isang mayaman, dahil may mataas itong katungkulan sa kompanyang pinapasukan at topnotcher pa sa board exam, Kaya gayon na lamang ang galit at pagkabigla nito nang malaman niyang si Corazon na kapitbahay niya ang naging kasintahan ng …

Ang Matapobreng Ina Read More »

Ang mag-asawang Prinsipal

Sa isang probinsiya sa Mindanao ay may mag-asawang punung-guro ng magkaibang paaralan na di kalayuan sa isa’t isa. Lagi silang magkasabay na umalis o umuwi ng bahay na sakay ng sariling motorsiklo. Sila’y nakagawian nang tawagin na Sir Bobby at Ma’am Nena; Sa umaga’y hinahatid muna ni Sir Bobby ang asawa bago siya tumuloy sa …

Ang mag-asawang Prinsipal Read More »