Pabula (Fables)

Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. Read more..

Ang Pulong Ng Mga Hayop

Noong unang panahon ang mga hayop daw ay nakapagsasalita. Minsan si Bathala’y tumawag ng pangkalaahaatang pulong upang pag-usapan kung paano mapangingilagan ng mga hayop ang walang tuos na pagpuksa sa kanila ng mga tao. Ang pulong ay ginanap sa libis ng isang bundok. Ang lahat ng mga hayop ay nagsidalo subali’t ang alitaptap, kabag, lamok, …

Ang Pulong Ng Mga Hayop Read More »

Hindi Nag-isip

Napakalikot ng asong si Maxi kaya nahulog sa isang balon. Tumalon siya nang tumalon ngunit hindi niya makayang maabot ang ibabaw para siya makaahon. May nadaang isang kambing. Napadungaw ito sa balon at nang makita ang aso ay nagtanong, “Bakit ka nariyan? Ano ang ginagawa mo diyan?” “Aba, hindi mo ba nabalitaan? Ngayon daw ay …

Hindi Nag-isip Read More »

Pulong ng mga Hayop

Noong unang panahon, tinawag ng hari ng mga hayop ang lahat ng kanyang kampon para malaman niya ang kayang gawin ng bawa’t isa. Dumating sila at lahat ay nagnanais na ipaalam sa hari na sila ay may higit na kakayahan kaysa iba. Sabi ng kalabaw, “Ako ang pinakamalakas sa lahat dahil nakahihila ako ng mabibigat …

Pulong ng mga Hayop Read More »

Si Paruparo at si Langgam

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno. “Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?” “Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na …

Si Paruparo at si Langgam Read More »

Ang Asno at ang Lobo

May isang Asnong tahimik na nanginginain sa isang malawak na damuhan. Nagulat na lang siya nang may isang gutum na gutom na Lobong padambang tumalon sa kaniyang harapan. “Aruy! Aruy!” palahaw na iyak ng Asno. Takang-taka ang naglalaway pang Lobo kung bakit nag-iiyak sa sakit ang bibiktimahin. Nagdrama-dramahan ang Asnong humihila-hila sa kanang paa. “Pa… …

Ang Asno at ang Lobo Read More »

Ang Aso at ang Leyon

Kinatatakutan ng maraming hayop sa kagubatan ang Aso. Nanginginig na ang mga Kuneho kapag tumitig na ito. Hindi na malaman ng mga Pagong ang gagawin kapag itinaas na nito ang mga paang may matutulis na kuko. Pinipigil na ng mga Manok, Pusa at Bibe ang paghinga nila upang di mapansin ng nag-aalborotong Aso. Sapagkat alam …

Ang Aso at ang Leyon Read More »