Maikling Kwento

Ang maikling kuwento – binaybay ding maikling kuwento – ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Read more..

Linubian

Sa isa sa mga nayong mangingisda ng Samtoy ay may bagun-taong ang ngalan ay Lino. Siya’y kaisa-isang anak ng mag-asawang napakasipag at napakasinop sa pamumuhay. Sa gulang na dalawampung taon siya’y natutong umibig sa pinakamagandang dalaga ng nayon. Ang dalaga’y si Biana. Bian, ang maikling taguri ng mga kamag-anak at kaibigan. Sa dinami-rami ng mga …

Linubian Read More »

Pulong Isla Verde

Kung kayo’y nasa laot kapag maliwanag ang sikat ng araw, makikita ninyo ang isang napakarikit na pulong tila nakalutang sa gitna ng dagat. Ito ay Isla Verde na matatagpuan sa pagitan ng Batangas at Mindoro. Maluningning ang kulay ng mga luntiang kahoy at mga pananim doon. Kapag tinanaw buhat sa malayo ay maitatanong sa sarili: …

Pulong Isla Verde Read More »

Si Malakas At Si Maganda

Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay napapalamutian ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin. Iniangat ng Diyos ang …

Si Malakas At Si Maganda Read More »

Torong Ginto

Ang alamat na ito ay kinagigiliwang marinig tulad din ng alamat ni Mariang Makiling. Ito ay nangyari nang unang panahon nang di pa kamalay-malay dumaong sa ating dalampasigan ang mga Kastila. Nanatili ang alamat na ito na nagpalipat-lipat sa labi ng matatanda at wari’y di pa naitatala ng ating masisigasig na manunulat. Ito ay nangyari …

Torong Ginto Read More »

Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. “G. Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel. “Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.” Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Bb. Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa …

Ang Aral ng Damo Read More »

Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga. Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?” Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalakeng …

Ang Araw at ang Hangin Read More »

Ang Bulkang Taal

Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon nguni’t wala isa man sa kanilang makakita sa singsing. Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang …

Ang Bulkang Taal Read More »