Bakit Maluwang ang Balat ng Baka?
Noong araw may isang mayamang lalaki na nag-aalaga ng isang baka at isang kalabaw. Katulong niya ang mga ito sa bukid, sa pagtatanim at mga ibang gawain. Isang araw naisipan ng dalawang hayop ang maligo sa ilog. Inalis nila ang kanilang mga damit at lumublob sila sa tubig. Masaya silang lumalangoy-langoy nang matanaw nilang dumarating …