Alamat

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Read more..

Alamat ng Ahas

Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad. Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay …

Alamat ng Ahas Read More »

Alamat ng Alagaw

Noong ikalabinlimang dantaon, humigit-kumulang, ang Lumang Taal ay isang masaganang balangay sa talpukan ng alon ng Lawang Bunbon na sakop ni Raha Matapang. Ang Batangas tulad sa ngayon ay di pa lalawigang natatatag kundi pulu-pulutong na mga balangay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba’t ibang raha at lakan. Nang panahong iyon ay kaylimit salakayin ng …

Alamat ng Alagaw Read More »

Alamat ng Alitaptap

Unang Bersyon Ilang libong taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng matinding tagtuyot sa mundo. Ang mga pananim ay nanuyot at nasira at pati na rin ang mga alagang hayop ay nagkasakit at namatay. Walang ulan at ang mga ilog ay natuyo na rin dahil sa init ng sikat ng araw. Taimtim na nagdasal ang …

Alamat ng Alitaptap Read More »

Alamat ng Ampalaya

NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa. Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya’y si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng balat …

Alamat ng Ampalaya Read More »

Alamat ng Apoy

Noong unang panahon, wala kang mapapansing apoy sa paligid. Ang tanging apoy na makikita mo ay binabantayan ng dalawang higante sa isang malaking yungib. Gustung-gusto ng mga taong magkaroon ng apoy upang ang kadiliman ng gabi ay maliwanagan. Pero mahigpit magbantay ang dalawang higante. Ayaw nilang magbigay ng apoy kaninuman. Tanging ang maabilidad na si …

Alamat ng Apoy Read More »

Alamat ng Aso

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan. Ang ama na si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain. Samantalang ang ina naman na si Magda siyang …

Alamat ng Aso Read More »

Alamat ng Bahaghari

Unang Bersyon Noong unang panahon may mag-asawang Manobo na naninirihan sa baybayin ng mga Isla ng Saranggani. Bagama’t maginhawa ang kabuhayan, malungkot ang mag-asawa sapagkat hindi sila biniyayaan ng kahit na isang anak man lamang. Lahat ng uri ng mga halamang gamot na ipinayo sa kanila ay walang naidulot na mabuting epekto. Ito ang dahilan …

Alamat ng Bahaghari Read More »

Alamat ng Baka at Kalabaw

Noon pa man ay matalik ng magkaibigan si baka at kalabaw. Parehas silang katuwang ng mga magsasaka sa gawaing bukid. Masipag sila at masunurin sa kanilang mga amo maski anong hirap ng trabaho sa bukid. Ngunit mayroong isang kuwento tungkol sa dalawa nang isang araw sila ay tinamad na magtrabaho. Noong unang panahon ang pinakaunang …

Alamat ng Baka at Kalabaw Read More »