Ano ang Parabula?

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

Comments

  1. may parabula na hindi galing sa bibliya at isa dito ay ang parabula ng banga, bang ang tumatayong tauhan, ibig sabihin po ba nito ito ay hindi parabula??
    ang pagkakaalam ko saparabula kakapulutan ng aral at mabubuting asal na kadalasan ay hango sa bibliya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pabula 'yan, sabi mo 'yung banga 'yung gumanap na tauhan eh. makatotohanan ang mga pangyayari sa isang parabula.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Si Malakas At Si Maganda

Ano ang Alamat

Alamat ng Bulkang Mayon