Ang Pana At Ang Awit


Binibit sa busog ang palasong hawak,
na tinutudla ko’y hangin sa itaas,
alam kong sa lupa ito ay lumagpak
subali’t kung saa’y hindi ko matatap!

Awit kong kinanta’y tinangay ng hangin,
alam kong sa lupa ito’y lumagpak din;
nguni’t ang hindi ko malama’t malining
ay kung saan ko ito hahanapin.

Ngunit nang maraming taon ang lumipas,
palaso’y nakitang buo’t nakatarak
sa puno ng isang kahoy na mataas.
Gayon din ang awit, aking natagpuan
buhat sa simula hanggang katapusan
sa puso ng isang mutyang kaibigan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento