Ang Duwende


Sa hardin ay merong punso,
Doon ako’y nagtutungo
Upang paligid ay walisin ko’t
Alisin ang kalat na damo.

Nang ako ay magkasakit,
Punso’y hindi nalilinis;
Hindi ako makaidlip,
Punso’y aking naiisip.

Habang ako’y nakaratay,
Sa akin ay may dumalaw,
May regalo siyang taglay,
Sabi’y siya’y duwende raw.

Nang siya ay lilisan na,
Sa akin ay sinabi niya:
“Pagka’t sadyang mabait ka
Ang buhay mo’y liligaya.”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento