Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay napapalamutian ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin. Iniangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito’y itinurong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga lunting kakahuyan ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at humahalimuyak ang mga bulaklak. Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-awitan. Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso. Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga pakpak at paimbulog na pababa sa kakahuyan. Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kanyang binilisan ang pagli
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon. Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa banding huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Mga Elemento ng Alamat Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod: Tauhan Ito ang mga nagsiganap sa kw
Unang Bersyon Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga’y “Magandang Dalaga.” Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw. Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapit sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya’y ang binibini’y nagtampisaw sa batis. Ang binata’y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag a
Comments
Post a Comment