Ang Alaga Kong Kuting


May alaga akong kuting,
Ang pangalan niya’y Muning;
Ang kulay ay puti’t itim,
Kung tumakbo ay matulin.

Makinang ang kayang mata
Sa dilim ay kitang-kita;
Balahibo ay kay ganda,
Masdan mo siya’t kay sigla.

Pagulungin mo ang bola,
Ito’y lalaruin niya;
Kung magpalakad-lakad ka,
Hahabulin iyong paa.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento