Alamat ng Pinya


Unang Bersyon

Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat.

Sa isang malayong pook ng lalawigan, nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa’y bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat nang gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay “maliit pa naman si Pina.” Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang.

Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa’y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa.

Tumagal ang sakit ni Aling Osang, nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina.

Isang umaga, si Pina’y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. “Saan kaya naroroon ang sandok?” ang sambit nito.

“Hanapin mo, naririyan lamang yan,” ang sagot ng ina.

“Kanina pa nga ako hanap ng hanap e! Talagang wala!” sabi ng anak.

“Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata nang makita mo ang hinahanap mo! Ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga.”

“Marami naman kayong sinisermon pa” ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.

Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit hindi na sila nagkita.

Isang araw, sa may bakuran ay nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya nang makita niya ang tumubong halaman malapit sa kanilang tarangkahan. Inalagaan niya iyon at dinilig araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala niya ang sinabi niya sa kanyang anak.

Pangalawang Bersyon

Sa isang komunidad sa Iloilo ay may mag-inang naninirahan. Ang ina, na isang balo ay si Aling Kerok at ang anak naman ay si Pina. Mahal na mahal ng ina ang nag-iisang anak niya.

Sapagkat wala nang ama, inisip ni Aling Kerok na ang pagpapalayaw sa anak ay isang mabuting hakbang sa pagpapabuti sa pag-uugali ng bata. Nagkamali si Aling Kerok sapagkat nasanay si Pina sa laging pagsandal sa kaniya. Hindi gumagawa ng anumang bagay si Pina na di ikinukunsulta sa ina. Lagi at laging si Aling Kerok ang gumagawa sa bahay. Kung hindi utusan ay maglalaro lang si Pina mula umaga hanggang hapon. Kapag napagod sa kalalaro matutulog na lang ito o mamimintana.

Lagi nang nagagalit si Aling Kerok. Napupuno siya sa gaht sa katamarang ipinakikita ni Pina.

“Ano ba naman Pina, pagod na ako rito sa kaluluto e hayan ka lang at pahiga-higa. Pakikuha mo nga yung sandok.!”

Nag-iinat na bumangon si Pina.

“Saan po kukunin, Inay?”

“Di sa ibabaw ng mesa, saan pa!”

Halos araw-araw ay ganito nang ganito ang nangyayari sa bahay.

Minsan, napakunot-noo si Aling Kerok sapagkat nawawala sa mesang tahian ang gunting na pantabas niya.

“Pina, Pina,” utos nito, “pakihanap mo nga yung gunting na pantabas ko!”

Tumayo mula sa pamimintana ang dalagita at padabog na namewang.

“Saan ko po ba hahanapin, Inay?”

“Di dito, dyan, doon kahit saan!” nanggagalaiting sagot ngina.

“Ang hirap po namang maghanap, Inay. Saan po ba yung dito, dyan at doon?” pamimilosopo ng anak.

“Ay naku, pamimintana na naman yang inaatupag mo. Konting galaw, konting sipag, batang ‘to, oo! Paano uunlad ang buhay mo kung mamimihasa ka sa katatanong at kapapamintana mula umaga hanggang hapon!”

Minsan naman, habang naglalaba si Aling Kerok ay nagulat na naman si Pina sa katatawag ng ina. Sarap na sarap pa naman siya sa pakikipagkuwentuhan sa kaniyang mga kaibigan.

“Pina! Pina!” sigaw ng ina.

“Po! Bakit na naman po?”

“Anong bakit na naman. Lagi ka na lang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan mo. Puwede bang pauwiin mo na sila nang makatulong din ang mga iyan sa kani-kanilang magulang! Daldalan kayo nang daldalan! At ikaw, Pina, hanapin mo yung palupalo ko nang matapos na ang paglalaba ko sa mga damit mo.”

“Saan po ba naroon, Inay?” tanong na naman ni Pina.

“Hanapin mo sa batalan!”galit na sigaw ni Aling Kerok.

Lalong nag-init ang ina nang sa pagbabalik ni Pina ay di nito dala ang palupalo.

“Hindi ko po nakita, Inay.”

“Hay naku! Lagi ka na lang wala. Hindi ko po nakita! Mahirap pong maghanap! Wala ka na bang alam gawin kundi makipagkuwentuhan, makipaglaro, matulog, kumain, magpahinga, mamintana? Kapag pinaghanap ay wala kang makita. Pina! Magkaroon ka naman sana ng maraming mata! Hindi bibig ang ginagamit sa paghahanap kundi mata! Mata, Pina!”

Umiiyak na nagtatakbo sa itaas ng bahay si Pina. Sa sobrang galit ni Aling Kerok ay hindi nito sinundan upang aluin ang anak. Gusto niyang mapag-isip-isip ni Pina ang kamalian ng dalagita.

Nang manananghalian na si Aling Kerok ay hinihintay niyang lumabas sa silid ang kaisa-isang anak subalit walang Pinang lumabas sa kuwarto. Tinawag ni Aling Kerok si Pina pero walang sinumang sumagot sa kanya.

Hinanap ng ina sa buong kabahayan si Pina pero wala siyang nakita kahit anino man lang ng dalagita.

Humagulgol nang humagulgol si Aling Kerok. Nagsisisi siya sa mga binitiwang mga salita. Pero kahit namumugto na ang mga mata ay wala pa rin siyang Pinang makita.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Wala nang Pinang kinagagalitan si Aling Kerok.

Minsan ay nagulat na lamang ang ina nang may masulyapan siyang isang halamang sumulpot sa kaniyang bakuran. Dinilig niya ito at binantayan araw-araw.

Takang-taka si Aling Kerok nang magbunga ang halaman. Ang bunga ay parang isang ulo na maraming mata.

Napansin din ng mga kapitbahay ang kakaibang bunga ng halaman. Nang mag-usisa sila kung ano ang -pangalan ng halaman ay may bahid pa ng luhang sinagot ni Aling Kerok.

“Pi… Pina!” may pagmamalaking sagot ng ina.

Magmula noon ang pangalang Pina na tawag sa prutas na may mga mata ay naging pinya.

Ikatlong Bersyon

Noong unang panahon, may mag-asawang nagngangalang Emilio atMarcela. Sila ay may anak na dalagang ang pangalan ay Rufina. Si Rufina aylubhang pinalaki sa layaw ng kanyang ama kaya’t siya na lamang ang nagigingdahilan ng pag-aaway ng mag-asawa.
Si Rufina ay walang nais gawin kundi humarap sa salamin atmag-ayos ng mukha o kaya’y magtungo sa halamanan at magmasid ng mga bulaklak.Wala siyang hilig sa pag-aayos ng bahay, at kung siya naman ay inuutusan ngkanyang ina ito ay walang matanggap na kasiyahan sa kanyang pag-uutos.

Isang araw, si Aling Sela at si Mang Milyo ay nagkasagutangmabuti tungkol kay Rufina.
“Talagang hindi ko na malaman kung paano ang gagawin koupang maturuan ng wastong pamamahay iyang si Rufina,” ang nagagalit nawika ni Aling Sela.

“Bakit mo pinaghihirap ang loob?” ang tanong namanni Mang. Milyo. “Hindi ba’t tayo’y may mga alila? Bakit hindi sila angutusan mo kung mayroon kang ibig ipagawa? Bakit si Rufina ang pinipilit monggumawa ng mga bagay na dapat gawin ng mga alila?”

Si Aling Sela ay lalong nagalit.

“Paano ko nga ba matuturuan iyang anak mo ng pagkababaeay sa ikaw ang una-unang nagpapalala? Matuturuan ba iyan ng kahit na ano sapinababayaan mong magkasungay?” ang galit na wika ni Aling Sela.

“Huwag kang magalit,” ang amo ni Mang Milyo.”Ang sinasabi ko lamang ay hindi mo dapat ipagawa kay Rufina ang mga bagayna dapat gawin ng mga alila sapagka’t tayo’y bumabayad sa alila upang maygumawa ng mga bagay na iyan.”

“Ang ibig mong sabihin ay wala nang matutuhan angbatang iyan sapagka’t tayo’y may mga alila?” ang tanong ni Aling Sela.

“Iyan ang ibig kong sabihin kanina pa,” sang-ayonni Mang Milyo.

“At kung tayo’y wala nang kaya sa pagbabayad ng mgaalila?” ang patuloy na usisa ni Aling Sela.

“A, hindi maaari iyon sapagkat tayo naman aymayaman,” ang sagot ni Mang Milyo.

Ang sagot ni Mang Milyo ay lalong nagpagalit kay Aling Sela.

“Hindi ako nagtatakang ang anak mo aymagkasungay!” ang naginginig ang katawang sigaw ni Aling Sela.”Ngayon lamang ako nakakita ng magulang na kagaya mo. Lumayas kariyan!”

Upang hindi na lumala pa ang usapan, si Mang Milyo ay nanaogng bahay. Minarapat niya ang mamasyal-masyal muna at kung malamig na ang ulo niAling Sela ay saka na siya babalik.

Si Aling Sela naman ay nakaisip manulsi at nang makalimutanniya ang mga pinagsasabi sa kanya ni Mang Milyo.

“Rufina!” ang tawag ni Aling Sela. “Kunin monga ang kahon ko ng karayom at sinulid at ako’y manunulsi.”

Si Rufina na noon pala ay nakaharap sa salamin at nag-aayos ng mukha ay noon pa lamang sumagot.

“Sandali na lamang po. Matatapos na ako.”

Si Aling Sela ay nagpigil ng galit. Hindi niya ibig nalumala pa ang kanyang kagalitan.

“Ano ba? Hindi ka pa ba tapos?”ang usisa ni AlingSela pagkaraan ng ilang sandali. “Magdala ka ng kahon ng karayom atsinulid.”

Naghintay pang muli si Aling Sela bago dumating si Rufina sakanyang silid. At nang dumating ito ay walang dalang kahon.

“Wala po akong makitang kahon ng karayom atsinulid,” ang pahayag ni Rufina.

“Wala kang makita e naroon lamang ang kahon sa mesamo?”ang pagtatakang tanong ni Aling Sela.

“Sinabi ko na po sa inyong wala akong makita, e,”ang pagalit na tugon no Rufina.

“Bakit wala ka bang mga mata? Wala ka bang nakikitakundi ang isinusurot sa mga mata mo?” ang pagalit na ring usisa ni AlingSelya.

Si Rufina na noon ay lumabas na ng silid at patungonghalamanan ay sumagot nang pasigaw:

“Opo, wala po akong nakikita kundi ang isinusurot samga mata ko.”

Ang galit ni Aling Sela ay hindi na napigilan. Nakita niyangsi Rufina ay nasa halamanan na at nagmamasid na naman sa mga bulaklak.

“Diyos ko! Bakit hindi Mo pa po gawing reyna ng mgahalaman ang anak ko nang hindi na niya ako nilalapastangan? Bakit hindi Mo papo siya gawing isang halamang may sandaang mata!”

Noon din ay nawala sa kinatatayuan si Rufina. Si Aling Selana dali-daling nanaog upang magsiyasat sa nangyari ay walang nakitang bakas ngkanyang anak saan man siya bumaling. Ngunit sa tinayuan ni Rufina ay nakitaniya ang isang bagong halaman. Ang halamang iyon ay may mahahabang dahongmaraming tinik at sa gitna ng mga dahon ay may bungang malaking tila may koronasa ibabaw. Anong himala! Ang bungang iyon ay ligid ng kayraming mga mata!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento