Alamat ng Mindanao

Unang Bersyon

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda.

Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya’t muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.

Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.

Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang.

Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto.

Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.

Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan .

Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali’t lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.

Subali’t si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.

Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.

Pangalawang Bersyon

Noong araw, nang hindi pa dumarating si Raha Baginda upang ikalat ang mga aral ni Mahoma, ay dadalawang pulutong pa lamang ng mga pulo ang pinaninirahan ng mga tao sa Pilipinas. Ang isa na nasa dakong hilaga ay pinamamahalaan ni Datu Lusong. Si Datu Lusong ay nagtataglay ng pambihirang lakas at tapang.

Siya’y may isang anak na dalagang ang pangalan ay Minda. Si Minda ay maganda, malambing ang tinig, at mabini ang kilos. Humahanga ang lahat ng nakakakita sa kanya.

Sa kalagitnaan naman ng Pilipinas, sa may pulong di-lubhang kalayuan sa pulo ni Datu Lusong, ang namumuno ay isang sultang kilala sa tawag na Datu Bisaya. Siya ay may malakas na hukbo na pinamumunuan ng kanyang anak na si Danaw. Mahal na mahal si Danaw ng kanyang mga kawal dahil sa mabuti siyang magpasunod. At dahil din sa kanyang husay at tapang, lagi silang tagumpay sa mga labanang kanilang dinarayo.

Magkagalit sina Datu Lusong at Datu Bisaya. Madalas silang nagsasagupaan noon pa mang sila’y mga binata pa. Nais ng bawat isa na sakupin ang kaharian ng isa’t isa. Ngunit napansin nila na walang mangyayari sa kanilang paglalaban. Nauubos lamang ang kanilang mga kawal. Hindi sila magkatalunan. Dahil dito, minabuti nilang magka-sundo na. Upang maging ganap ang kanilang pagka-kasundo, iminungkahi ni Datu Lusong ang pag-iisang dibdib ng kani-kanilang anak na sina Minda at Danaw.

Malugod namang sumang-ayon si Datu Bisaya. Itinakdang ganapin ang kasal sa isang malaking pulo sa dakong timog. Ang pulong ito ay bago pa lamang nasasakop ni Datu Danaw.

Bago pa lamang nagbibilog ang buwan ay lulan na ng kanilang paraw sina Datu Lusong, Minda, at mga kawal patungo sa pulo na pagdarausan ng kasal. Doon nama’y naghihintay na ang mag-amang Datu Bisaya at Danaw at mga kawal nito.

Nang dumating sila sa pulo ay nagsimula na ang paghahanda. Nagluto sila ng masasarap na pagkain at inilabas ang kanilang mga alak. Idinaos ang kasal matapos na sila’y mag-alay sa kanilang diyos. Masayang-masaya ang lahat. Tumagal ng tatlong araw at tatlong gabi ang kasayahan. Pagkatapos ng pagsasaya ay nagtalumpati si Datu Bisaya.

“Ang pulong ito ay inireregalo ko sa mga bagong kasal. Dito na sila maninirahan. Sinumang may nais sumama sa kanila ay maaari nang maiwan dito. Mula ngayon, ang pulong ito ay tatawaging Minda-Danaw.”

Maraming kawal ang nagpaiwan sa pulo kasama ng mga bagong kasal. Doon na sila nanirahan sa pamumuno ni Danaw.

Sa nilakad-lakad ng panahon, ang pangalang Minda-Danaw ay naging Mindanaw. Sa pag-unlad ng wika, ito ay naging Mindanao.

Ngayon, ang Mindanao ay pangalawa sa pinaka-malaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas. Ito’y sagana sa mga likas na yaman.

Comments

Popular posts from this blog

Si Malakas At Si Maganda

Ano ang Alamat

Alamat ng Bulkang Mayon